Sana

18/03/2009 12:51

Sana

 

Mahal kita, sana mahal mo rin ako

Pag nangako ka, sana hindi mapapako

Sana kahit konti ako ay bigyan mo ng halaga

Nanga ako ay hindi nagmumukhang tanga

Sana ako ang babaing hinahanap mo

Nang ‘di ka mapagod at magpakalayo-layo

Sana ako rin ay iniibig mo

Nang madama ang ligayang dulot mo

Sana sabihin mong mahal mo ako

Nang masabi ko din ang damdamin ko

Ang halik at yakap mo ay aking pinapangarap

Na sana’y makamtam sa hinaharap

Sana lahat ng ito ay magkatotoo

Kung ako lang sana ay mahal mo

-          Mimi,  June 24, 1994

 

 

Search site